Governance & Policy Breaking

ROMUALDEZ, HINDI KABILANG SA PROJECT PROPONENT NG FLOOD CONTROL — WITNESS

Mismong ang testigo ng prosekyuson sa Sandiganbayan ang nagsabi, hindi kabilang si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga nagpanukala...

ROMUALDEZ, HINDI KABILANG SA PROJECT PROPONENT NG FLOOD CONTROL — WITNESS

Mismong ang testigo ng prosekyuson sa Sandiganbayan ang nagsabi, hindi kabilang si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga nagpanukala o proponent ng mga flood control project na pinagmulan umano ng bilyon-bilyong pisong kickback.


Sa testimonya ni Engineer Carlo Rivera ng DPWH Bulacan First District Engineering Office, inamin niya na ang nakolekta niyang humigit-kumulang P5-bilyong “commitment fees” o kickbacks mula sa mga kontratista ay idineliver niya kay dating House Appropriations Committee Chairperson Zaldy Co at hindi kay Romualdez. 


Dagdag pa ni Rivera, si Co ang namamahagi ng pondo sa mga proponent ng mga proyekto, kabilang sina si Co, mismo, dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo, Senator Jinggoy Estrada, at dating Senator Bong Revilla Jr. 


Wala sa inilabas na listahan ni Rivera ang pangalan si Romualdez.